Ang mga inireresetang gamot laban sa COVID-19 ay available sa maraming lugar at mabisa sa paggamot ng COVID-19.. Kung masama ang iyong pakiramdam, kumilos kaagad para magpasuri para sa COVID-19 at alamin ang mga opsyon sa paggamot.

Sa page na ito:

Paano maghanap ng mga gamot laban sa COVID-19

Sa oras na sumama ang pakiramdam mo, magpasuri para sa COVID-19. Kung magpopositibo ka sa pagsusuri, gamitin ang mga opsyon sa ibaba para makahingi ng reseta para sa gamot laban sa COVID-19. Inirerekomenda ang mga gamot laban sa COVID-19 para sa karamihan ng mga nasa hustong gulang at ilang teenager.

Kumilos kaagad. Dapat masimulan ang karamihan ng mga gamot laban sa COVID-19 sa unang 5 araw ng mga sintomas. Libre ang mga gamot sa kasalukuyan, anuman ang status sa insurance o pagkamamamayan.

Kasama sa mga opsyon sa pagkuha ng reseta ang mga sumusunod:

  • Makipag-ugnayan sa iyong doktor, center para sa agarang pangangalaga, o provider ng insurance para magpa-appointment. Puwede ang mga appointment sa pamamagitan ng video o telepono, at kadalasan ay sapat na ang mga ito para matukoy kung kwalipikado ka para sa isang gamot.
  • Tumawag sa Call Center ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California sa 833-422-4255.
  • Tumawag sa iyong parmasya para itanong kung nagsusuri sila ng mga pasyente para sa gamot laban sa COVID-19.

Kung hindi ka makakakuha ng reseta sa iyong doktor, pero sa palagay mo ay kwalipikado ka dapat sa paggamot, posibleng makakuha ka pa rin ng reseta sa pamamagitan ng mga opsyon sa ibaba. Puwede mo ring ipakita sa iyong doktor ang mga rekomendasyon ng CDPH sa pagpapagamot.

Kung wala kang insurance o kung hindi gagana ang mga opsyon sa itaas:

  1. Mag-click dito o tumawag sa 833-686-5051 para gumawa ng libreng appointment sa pamamagitan ng telepono o video gamit ang serbisyo sa telehealth ng California para sa COVID-19. Mahigit 200 wika ang available sa pamamagitan ng serbisyo sa pagsasalin. –O–
  2. Bumisita sa testtotreat.org para mag-sign up sa Pambansang Programa na Magpasuri para Makapagpagamot, na nag-aalok din ng libreng pangangalaga ng COVID-19 sa pamamagitan ng telehealth. May libreng paghahatid ng mga gamot sa bahay, pero kumilos kaagad dahil dapat magamit ang mga gamot laban sa COVID-19 sa unang 5 araw ng mga sintomas. Sa Ingles at Spanish lang available ang programang ito.

Ang dapat malaman tungkol sa mga gamot laban sa COVID-19

Ano ang mga gamot laban sa COVID-19?

Ligtas at mabisa ang mga gamot laban sa COVID-19 sa pagpigil sa paglala ng sakit na dulot ng COVID-19. Sa pagpigil sa pagdami ng virus, napapaliit ng mga ito ang posibilidad ng pagkakaroon ng malalang sakit, pagkakaospital, at pagkamatay mula sa COVID-19 nang kalahating porsyento o higit pa. Puwede ring mapaliit ng mga gamot laban sa COVID-19 ang posibilidad na magkaroon ng mga sintomas ng long COVID, at makakatulong ang mga ito sa iyo na mas maagang magnegatibo sa pagsusuri. Ayon sa naunang ebidensya, may kakayahan ang Paxlovid na gamot laban sa COVID-19 na paliitin ang posibilidad ng pagkakaroon ng mga sintomas ng long COVID. Puwedeng tumagal ang mga sintomas na ito nang ilang linggo, buwan, o taon pagkatapos ng COVID-19.

Ang karamihan ng mga gamot laban sa COVID-19 ay mga pill na puwede mong iuwi sa bahay. Libre ang mga gamot sa kasalukuyan, anuman ang status sa insurance o pagkamamamayan.

Kailan dapat inumin ang mga gamot laban sa COVID-19?

Pinakamabisa ang mga gamot kapag nasisimulan kaagad sa oras na sumama ang pakiramdam mo. Dapat masimulan ang karamihan ng mga gamot sa unang 5 araw ng mga sintomas.

Kung masama ang pakiramdam mo, magpasuri para sa COVID-19 sa lalong madaling panahon. Puwede ang mga resulta ng pagsusuri sa bahay.

  • Puwedeng mag-order ang mga sambahayan sa U.S. ng 4 na libreng pagsusuri para sa COVID-19 na naisasagawa sa bahay. Mag-order ng mga libreng pagsusuri.
  • Puwede ka ring mag-sign up sa Pambansang Programa na Magpasuri para Makapagpagamot, na nag-aalok ng mga libreng pagsusuri para sa COVID-19 na naisasagawa sa bahay at pangangalaga sa pamamagitan ng telehealth. Matuto pa.
  • Mag-click dito para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagsusuri.

Kung magpopositibo ka sa COVID-19, magtanong kaagad tungkol sa gamot laban sa COVID-19. Huwag hintaying lumala ang mga sintomas. Manatili sa bahay at mag-isolate para mapigilan ang pagkalat ng sakit sa iba. Kahit nabakunahan ka na o nagkaroon ka na ng COVID-19, dapat ka pa ring mag-isolate nang hindi bababa sa 5 araw. Alamin ang mga alituntunin sa pag-isolate.

Kung magnenegatibo ka sa pagsusuri pero mayroon ka pa ring mga sintomas, magpasuri ulit pagkalipas ng 24-48 oras. Puwedeng mapalampas ang kaunting virus sa unang bahagi ng pagkakahawa, at puwedeng ilang araw pa bago magpositibo sa pagsusuri.

Kung mayroon kang mga malalang sintomas ng COVID-19 kasama ang problema sa paghinga, pananakit ng dibdib, pagkalito, o kung nahihirapan kang manatiling gising, pumunta sa emergency room o tumawag kaagad sa 911.

Sino ang dapat uminom ng gamot laban sa COVID-19?

Inirerekomenda ang mga gamot laban sa COVID-19 para sa karamihan ng mga nasa hustong gulang at ilang teenager. Ang lahat ng may edad na 12 taon pataas na may mga sintomas at magpopositibo sa COVID-19 ay dapat magpasuri para sa paggamot sa COVID-19. May doktor na tulong sa pagpapasya kung aling gamot, kung mayroon, ang naaangkop para sa iyo.

Posibleng magkwalipika kang makatanggap ng mga gamot laban sa COVID-19 kung:

  • Ikaw ay may edad na 50 taon pataas –O–
  • Ikaw ay hindi pa nababakunahan o hindi up-to-date sa mga bakuna laban sa COVID-19 –O–
  • Mayroon kang kundisyon sa kalusugan o iba pang salik na nagpapalaki sa posibilidad mong magkasakit. Kasama rito ang labis na katabaan, hika, diabetes, kawalan ng pisikal na aktibidad, paninigarilyo, mga kundisyon sa kalusugan ng pag-iisip gaya ng depresyon, pagiging bahagi ng isang minorya sa lahi/etnisidad, at higit pa. Matuto pa tungkol sa mga salik na nagpapalaki sa posibilidad na magkaroon ng malalang sakit mula sa COVID-19. Mag-click dito para sa higit pang impormasyon tungkol sa kalusugan ng pag-iisip at mga kundisyon ng mood.

Makakatulong din ba ang mga gamot laban sa COVID-19 sa mga taong nabakunahan na laban sa COVID-19?

Oo, mapapaliit ng mga gamot laban sa COVID-19 ang posibilidad mong magkaroon ng malalang sakit dulot ng COVID-19, nabakunahan ka man laban sa COVID-19 o hindi. Sa pagpapabakuna, lumiliit ang posibilidad mong magkaroon ng malalang sakit. Gayunpaman, ayon sa mga pag-aaral, posible pa ring makatulong ang gamot laban sa COVID-19 sa mga taong nabakunahan na. Sa partikular, posibleng makatulong ang gamot sa mga taong malaki ang posibilidad na magkaroon ng malalang sakit, kasama ang mga may edad na 65 pataas.

Ano ang pagkakaiba ng mga gamot laban sa COVID-19 at mga gamot?

  • Kinukuha ang mga bakuna laban sa COVID-19 bago pa mahawahan ng COVID-19 para madagdagan ang immunity laban sa mga bagong variant.
  • Kinukuha ang mga gamot laban sa COVID-19 pagkatapos mahawahan ng COVID-19 para mapigilan ang paglala ng sakit. Posibleng makatulong sa iyo ang mga ito na mas maagang magnegatibo sa pagsusuri. Ayon sa naunang ebidensya, posible ring mapaliit ng mga ito ang posibilidad na magkaroon ng long COVID.
  • Parehong napipigilan ng bakuna at gamot laban sa COVID ang paglala ng sakit dulot ng COVID-19.

Ano ang pag-rebound ng COVID-19?

Ang pag-rebound ng COVID-19 ay ang pagbabalik ng mga sintomas at pagkakaroon ng bagong positibong pagsusuri ilang araw matapos bumuti ang mga sintomas o magnegatibo sa pagsusuri. Hindi nakakaranas ang karamihan ng mga tao ng pag-rebound mula sa mga gamot laban sa COVID-19. Puwedeng mangyari ang pag-rebound ng COVID-19 sa COVID-19 uminom ka man ng mga gamot o hindi. Magkaroon man ng pag-rebound o hindi, mapipigilan ng mga gamot laban sa COVID-19 ang pagkakaroon ng malalang sakit, at napapaliit ng mga ito ang posibilidad na magkaroon ng long COVID.

Dapat ba akong uminom ng mga gamot laban sa COVID-19 kung buntis ako?

Kung buntis ka, kausapin ang iyong doktor. Puwede ka ring sumangguni sa mga kapaki-pakinabang na alituntuning ito mula sa National Institutes of Health at Centers for Disease Control and Prevention.

National Institutes of Health (NIH): Pagbubuntis, Pagpapasuso, at Therapeutics para sa COVID-19

Centers for Disease Control and Prevention (CDC): Mga Espesyal na Klinikal na Pagsasaalang-alang


Tool sa Pag-access ng Mga Paggamot Laban sa COVID-19

Gamitin ang Tool sa Pag-access ng Mga Paggamot Laban sa COVID-19 para sa tulong sa paghahanap ng mga gamot laban sa COVID-19. 

Tool para sa panggamot laban sa COVID-19

Pantribong Tool sa Pag-access ng Mga Paggamot Laban sa COVID-19

Magagamit din ng mga miyembro ng tribo sa California ang Pantribong Tool sa Pag-access ng Mga Pnggamot Laban sa COVID-19 para makakita ng mga provider ng Pangangalagang Pangkalusugan sa Mga Indian na puwedeng makapagreseta ng gamot laban sa COVID-19.

Tool para sa paggamot laban sa COVID-19

Buksan ang tool


Call center ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California

Para sa higit pang impormasyon at tulong sa paghahanap ng mga gamot laban sa COVID-19, tumawag sa Call Center ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California sa 833-422-4255.

Bukas ang pambuong-estadong call center 5 araw sa isang linggo:

  • Lunes-Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM Pacific Time

Mga Resource