Mga Variant
Huling na-update Mayo 25, 2023 sa 10:00 AM
Tina-track namin ang mga variant ng COVID-19 sa California para malabanan ang pagkalat ng sakit.
Sa page na ito:
Mga Variant sa California
Nagsasagawa ang California ng genetic sequencing ng sample ng mga nagpositibo sa mga pagsusuri sa COVID-19 para matukoy ang variant ng mga ito. Kapag nalaman kung anong mga variant ang kumakalat sa California, maipapabatid ito kaugnay ng kalusugan ng publiko at klinikal na pagkilos.
Ipinapakita sa chart na ito ang sample ng mga sequenced na nagpositibong pagsusuri kung saan natukoy ang variant. Isinasagawa lang ang sequencing sa mga espesyalisadong laboratoryo. Karaniwan itong nangyayari ilang araw o higit pa matapos matukoy ang isang pagsusuri bilang positibo sa COVID-19. Hindi lahat ng positibo sa pagsusuri sa COVID-19 ay isinasailalim sa genetic sequencing.
- % ng mga na-sequence
na specimen - Ina-update ang data tuwing Biyernes. Naglalaman ang chart ng data sa mga specimen na kinolekta hanggang {CHART_LAST_DATE} at na-update noong {CHART_PUBLISH_DATE}. Ang Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California ay may higit pang impormasyon at data tungkol sa mga variant.
- Pagtatapos ng linggo
- Nakabinbin
- Hindi kumpleto ang data para sa mga kamakailang petsa
- Lahat ng oras
- 6 na buwan
- 90 araw
Impormasyon sa chart
- Ang chart na ito ay ginawa gamit ang Genomic Surveillance Data ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California (California Department of Public Health, CDPH).
- Ang mga porsyentong ito ay batay sa 7 araw na average, na may 14 na araw na lag.
- Ang mga porsyentong ito ay batay sa sample ng mga positibo sa pagsusuri sa COVID-19. Hindi kinakatawan ng mga ito ang kabuuang bilang ng mga impeksyon sa California.
- Hindi nito kinakatawan ang lahat ng sequence na nakumpleto.
- Hindi ipinapakita sa chart na ito ang lahat ng natukoy na variant. Ipinapakita lang nito iyong mga itinuturing o itinuring na variant.
- Ang Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California ay nakikipagtulungan sa maraming partner para makamit ang layunin sa pagsasagawa ng sequencing sa hindi bababa sa 10% ng lahat ng nagpositibo sa pagsusuri. Nagbibigay ito ng kumpiyansang pagtatantya sa pagkalat ng variant sa California.
- Linggu-linggo naming ina-update ang data na ito.
- Matuto pa tungkol sa kung paano nagse-sequence ang California ng mga positibong pagsusuri sa COVID-19 sa pamamagitan ng genetics.
Mag-explore ng higit pang data
Data ng estado
Pambuong estado at county na mga kaso, pagkamatay, pagpapaospital, at pagsusuri, kasama ang ayon sa status sa pagbabakuna, kasarian, at edad
Data sa pagbabakuna
Data ng estado at county tungkol sa pagpapabakuna, kasama ang ayon sa lahi, etnisidad, at edad
Data pagkakapantay-pantay sa kalusugan
Paano naapektuhan ng COVID-19 ang iba't ibang komunidad sa buong estado
Data at mga tool
Mga detalyadong modelo, dashboard, database, at impormasyon tungkol sa data sa pag-uulat ng COVID-19 ng California