Pabahay at renta
Huling na-update Abril 8, 2022 sa 5:35 PM
May mga madudulugan ka kung naapektuhan ng COVID-19 ang iyong sitwasyon ng pabahay.
Sa page na ito:
- Tulong para sa mga walang matirhan
- Tulong sa pagbabayad ng renta at mga utility
- Proteksyon sa pagpapaalis
- Abot-kayang renta sa bahay
- Forbearance sa mortgage
- Tulong sa pagbabayad ng mortgage
Tulong para sa mga walang matirhan
Kung wala kang matirhan o kailangan mo ng matitirhan sa panahon ng emergency:
- Tumawag sa 211 para maghanap ng lokal na programa. Ito ay libre, kumpidensyal, at available 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
- Hanapin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista para sa iyong lugar.
- Makipag-ugnayan sa departamento para sa kapakanan ng iyong county para makakita ng programa malapit sa iyo.
- Alamin ang mga madudulugan para sa mga walang matirhang LGBTQ sa panahon ng krisis.
- Tumawag sa Hotline ng National Domestic Violence:
- Tumawag sa 800-799-SAFE (800-799-7233)
- I-text ang START sa 88788 para sa 24/7 na libreng tulong sa Ingles at Spanish
- Makipag-chat nang live
Pansamantalang pabahay sa pamamagitan ng Project Roomkey
Kung wala kang matirhan, posibleng kwalipikado kang makakuha ng kuwarto sa isang hotel o motel sa pamamagitan ng Project Roomkey kung ikaw ay:
- Magpopositibo sa COVID-19 at kailangan mong mag-isolate
- Nalantad sa COVID-19 at kailangang mag-quarantine
- Labis na nanganganib sa COVID-19, gaya ng mga taong:
- Mahigit 65 taong gulang
- May mga dati nang kundisyon sa kalusugan
Tumawag sa makakaugnayan sa iyong lokal o sa departamento para sa kapakanan ng iyong county para matuto pa.
Tulong sa pagbabayad ng renta at mga utility
Hindi na tumatanggap ang estado ng mga aplikasyon para sa tulong sa renta at utility bill sa panahon ng COVID-19. Kung nag-apply ka ng tulong sa renta bago ang Marso 31, 2022, susuriin namin ang iyong aplikasyon. Kung kwalipikado ka, puwede kang makatanggap ng pinansyal na tulong para masaklaw ang hindi pa nababayarang:
- Mga bayad sa renta na nakatakdang bayaran sa pagitan ng Abril 2020 at Marso 2022 (limitado sae 18 buwan sa kabuuan)
- Mga bill ng utility gaya ng gasolina, kuryente, basura, at internet
Puwede ka ring maprotektahan laban sa pagpapaalis.
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang website ng Housing Is Key o tumawag sa 833‑430‑2122. Bukas ang call center Lunes hanggang Biyernes, 7:00 AM hanggang 7:00 PM.
Saan ipinapadala ang mga bayad
Kung maaaprubahan ang iyong aplikasyon, mapupunta ang bayad sa renta sa:
- Iyong landlord kung makikibahagi siya sa programa ng tulong sa renta
- Sa iyo kung hindi makikibahagi sa programa ang iyong landlord
Kung matatanggap mo ang bayad sa renta, dapat mong bayaran ang iyong landlord sa loob ng 15 araw.
Direktang napupunta sa utility provider ang mga bayad sa utility.
Higit pang tulong sa mga utility
Posibleng makatanggap ka ng tulong sa pagbabayad ng bill ng iyong kuryente mula sa Programang Tulong sa Kuryente sa Bahay para sa Mga May Mababang Kita ( Low-Income Home Energy Assistance Program, LIHEAP).
Puwede kang makatanggap ng minsanang bayad na makakatulong sa iyong:
- Bayaran ang iyong bill sa heating o cooling, kahit na kahoy, propane, o langis ang ginagamit mo
- Kung may emergency o problema sa kuryente, gaya ng pagkaputol ng utility
Posibleng kwalipikado ka rin para sa mga serbisyo sa weatherization at efficiency ng kuryente. Kasama sa mga halimbawa ang:
- Pagtatapal ng mga butas at bitak sa mga pinto, bintana, at tubo
- Pagsusuri sa insulation ng iyong bahay
- Pagkukumpuni o pagpapalit ng mga bintana at water heater
- Pagsusuri kung gumagana nang maayos ang iyong mga heating at air conditioning system
Kapag pinahusay ang weatherization at efficiency ng kuryente ng iyong bahay:
- Mababawasan ang paggamit mo ng enerhiya
- Bababa ang iyong buwanang bill sa utility
- Matutugunan ang mga isyu sa kalusugan at kaligtasan sa iyong bahay
Sino ang kwalipikado
Ang pagiging kwalipikado sa LIHEAP ay nakadepende sa:
- Iyong kita
- Iyong tirahan
- Bilang ng mga tao sa iyong sambahayan
Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng LIHEAP sa iyong lugar. Puwede ka ring tumawag sa 866-675-6623.
Proteksyon sa pagpapaalis
Kung nag-apply ka para sa tulong sa renta at kwalipikado ka, puwede kang maprotektahan laban sa pagpapaalis:
- Para sa hindi pa nababayarang renta na nakatakdang bayaran sa pagitan ng Abril 2020 at Marso 2022
- Hanggang Hunyo 30, 2022
Hindi ka mapapaalis ng landlord mo kung nag-apply ka para dito at hinihintay mong malaman kung kwalipikado ka.
Ang ilang lungsod at county ay mas maraming ipinapatupad na proteksyon laban sa pagpapaalis.
Matuto pa tungkol sa proteksyon laban sa pagpapaalis dahil sa hindi nabayarang renta sa panahon ng COVID-19.
Para sa impormasyon tungkol sa mga proteksyon ng tenant:
- Fact sheet tungkol sa proteksyon sa tenant
- Mga alituntunin sa proteksyon sa tenant
- Mga madalas itanong tungkol sa Batas sa Tulong sa Tenant sa Panahon ng COVID-19 (COVID-19 Tenant Relief Act)
Maaari kang makasuhan dahil sa hindi pa nababayarang renta
Kung may hindi ka pa nababayarang renta, maaari kang kasuhan ng iyong landlord. Mangyayari ito kahit nabayaran mo na ang 25% ng iyong renta na dapat bayaran sa pagitan ng Setyembre 2020 at Setyembre 2021 para hindi ka mapaalis.
Alamin ang tungkol sa proseso ng maliliit na claim para sa utang sa renta sa panahon ng COVID-19.
Libreng legal na tulong at pagpapayo
Maraming pambuong-estado at lokal na organisasyon ang nag-aalok ng libre o murang legal na tulong sa mga nagrerenta.
Makipag-ugnayan sa isang lokal na ahensya para makatanggap ng libreng pagpapayo sa pabahay.
Pabahay sa panahon ng emergency
Kung pinapaalis ka at kailangan mo ng matitirhan sa panahon ng emergency:
- Tumawag sa 211 para makahingi ng tulong sa iyong lugar.
- Hanapin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista para sa iyong lugar.
Abot-kayang renta sa bahay
Maaari kang magkwalipika para sa abot-kayang pinaparentang bahay kung mababa ang iyong kita.
Pribadong pagmamay-aring subsidized na pabahay
Maaari kang magkwalipika para sa binawasang renta sa pamamagitan ng subsidized na pabahay. Maghanap ng apartment at mag-apply nang direkta sa property.
Pampublikong pabahay
Maaari kang magkwalipika para sa mga abot-kayang pinaparentahang bahay o apartment sa pamamagitan ng pampublikong pabahay. Makipag-ugnayan sa ahensya ng pampublikong pabahay sa iyong lugar para mag-apply.
Programang voucher para sa opsyong pabahay (Seksyon 8)
Makakahanap ka ng sarili mong lugar at magagamit mo ang voucher ng pabahay para mabayaran ang lahat o bahagi ng renta. Makipag-ugnayan sa ahensya ng pampublikong pabahay sa iyong lugar para mag-apply.
Kung nahihirapan kang makipag-ugnayan sa iyong lokal na ahensya ng pampublikong pabahay, makipag-ugnayan sa isang field office para sa tulong.
Forbearance sa mortgage
Puwedeng pahintuin o bawasan ng karamihan ng may-ari ng bahay ang kanilang bayad sa mortgage sa loob ng limitadong panahon kung nahihirapan sila dahil sa COVID-19. Tinatawag itong forbearance. Puwede kang humiling ng forbearance mula sa iyong mortgage servicer. Puwede ring humiling ng forbearance ang mga landlord na may apat o mas kaunting pag-aari.
Alamin ang mga hakbang para pahintuin o bawasan ang iyong mga bayad sa mortgage sa Tulong para sa mga may-ari ng bahay.
Pag-iwas sa foreclosure
Sa ilalim ng batas ng pederal, dapat magsagawa ang iyong mortgage servicer ng ilang partikular na hakbang para matulungan ka bago simulan ang proseso ng foreclosure.
- Alamin kung ano ang gagawin para maiwasan ang foreclosure.
- Humanap ng libreng pagpapayo para sa pag-iwas sa foreclosure sa iyong lugar.
- Makakuha ng impormasyon tungkol sa proteksyon at tulong sa foreclosure mula sa California Department of Financial Protection and Innovation.
Libreng tulong sa pagpapayo sa pabahay
Humanap ng inaprubahang tagapayo sa pabahay o tumawag sa 1-800-569-4287.
Libre o murang legal na tulong
Kung sa palagay mo ay may maling nagawa sa iyo ang lender mo sa pamamagitan ng paglabag sa batas, puwede kang maghain ng demanda laban sa kanya. Puwede kang makatanggap ng libre o murang legal na tulong mula sa mga pambuong-estado at lokal na organisasyon.
Tulong sa mortgage
Kung marami ka nang mortage na hindi nababayaran dahil sa COVID-19, maaari kang makahingi ng tulong pambayad.
Kung magkakwalipika ka, makakakuha ka ng hanggang $80,000 na pambayad sa iyong mga hindi pa nababayarang singil. Direktang mapupunta ang perang ito sa iyong mortgage servicer. Hindi mo kailangang bayaran ito.
Sino ang kwalipikado
- Ang iyong kita ay nasa 100% o mababa sa 100% ng Area Median Income (AMI). Kasama rito ang mga kita ng lahat ng taong mahigit 18 taong gulang sa iyong sambahayan. Hanapin ang iyong limitasyon ng AMI.
- Dapat mong matugunan ang sumusunod:
- Mayroong hindi bababa sa dalawang hindi pa nababayarang singil simula Disyembre 27, 2021.
- Kasalukuyang nagmamay-ari at naninirahan sa property sa California bilang iyong pangunahing tirahan.
- Nagmamay-ari at naninirahan lang sa isang property.
- Mapapatunayang nakaranas ka ng Kwalipikadong Pinansyal na Paghihirap:
- Isang pansamantala o permanenteng kabawasan sa kita na direktang nauugnay sa COVID-19, o
- Isang pagtaas sa mga gastusin sa pamumuhay sa sambahayan na direktang nauugnay sa COVID-19, gaya ng:
- Medikal na gastusin
- Isang pagtaas sa laki ng sambahayan
- Mga gastusin sa muling pagpapakonekta ng mga serbisyo ng utility
- Ang orihinal, hindi pa nababayarang prinsipal na balanse ng iyong pangunahing mortgage loan ay dapat na mababa sa ]limitasyon sa conforming loan na itinakda noong naisyu ang iyong loan.
- Hindi maaaring mayroon kang cash o mga asset na katumbas ng o mahigit sa mga pondo sa relief na kinakailangan, at $20,000. Ang iyong mga ipon para sa pagreretiro ay hindi bibilangin bilang cash o mga asset.
- Halimbawa, kailangan ng may-ari ng bahay ng $30,000 para mabayaran ang kanyang mortgage.
- Kung mababa sa $50,000 ang kanyang mga asset, maaari siyang maging kwalipikado.
- Kung mayroon siyang $50,000 o mahigit sa mga asset, hindi siya kwalipikado.
- Halimbawa, kailangan ng may-ari ng bahay ng $30,000 para mabayaran ang kanyang mortgage.
Gamitin ang questionnaire sa aplikasyon para malaman kung kwalipikado ka. Hindi mo kailangang magbigay ng personal na impormasyon para masagutan ito.
Paano mag-apply
Sagutan ang questionnaire sa aplikasyon para simulan ang proseso ng aplikasyon. Malalaman mo sa resulta kung maaari kang maging kwalipikado at maaari kang mag-apply.
Kakailanganin mong mag-register para sa isang account para makapag-apply.
Maaaring kailanganin mong ibigay ang sumusunod:
- Mga statement ng mortgage
- Mga bank statement
- Utility bill
- Mga dokumento ng kita, gaya ng:
- Mga paystub
- Mga tax return
- Mga dokumento ng insurance para sa pagkawala ng trabaho
- Iba pang impormasyon depende sa iyong mga sitwasyon
Puntahan ang Programa ng Tulong sa Mortgage ng California para sa higit pang impormasyon.
Kung mayroon kang mga tanong, tumawag sa hotline ng Tulong sa Mortgage sa 1-888-840-2594.
Kung kailangan mo ngayon ng tulong, makipag-ugnayan sa:
- Iyong mortgage servicer (tingnan sa iyong buwanang statement sa mortgage ang pangalan ng iyong servicer)
- Isang certified na tagapayo sa pabahay sa 1-800-569-4287 o humanap ng ahensya sa iyong lugar